Posts

Showing posts from May, 2022

PAGPAPAKILALA SA SARILI

                     "Pagpapakilala sa Sarili"          Mabuhay! Isang mapagpalang umaga sa ating lahat ngayong araw ay tunay na napakapalad natin sapagkat ating makakasama ang isang estyudante na magbibigay sa atin ng inspirasyon sa buhay.         Kaya naman napakalaking karangalan bilang tagapagsalita na ipakilala sa inyo ang ating panauhin. Sa kaniyang kuwento sa buhay ay tunay na siya ay inspirasyon sa bawat tao lalong lalo na sa mga kabataang katulad niyo. Dahil ilan sa kaniyang mga nabanggit na karanasan nung amin siyang napanayam ay mula sa kaniyang pagkabata ay marami na siyang pangarap sa buhay, na tila daw kung ito ay iisipin at gagawin ay kaniyang mapapagtagumpayan.         Siya ay nagmula sa simpleng angkan ng De Chavez at sa anim nilang magkakapatid isa siya sa maipagmamalaking naging bunga ng pagmamahalan nina Rosa at Romutio De Chavez. Mula siya sa ...

TALUMPATING PAMPASIGLA

                             "Hype Speech"               Diktador: Terrence Joshua Biag Pinagkunan: https://m.youtube.com/watch?v=MkTKWBl-u9c&t=66s

TALUMPATING NAGPAPARANGAL

                 "Ang Modernong Bayani" Pinagkunan: https://m.youtube.com/watch?v=UmCXKzCJXXg

TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG

  Pinagkunan: https://m.youtube.com/watch?v=gGCm8iL68Bc&t=10s

TALUMPATING PANGKABATIRAN

  "Estado ng Wikang Filipino Sa Modernong                                              Panahon" Pinagkunan: https://m.youtube.com/watch?v=7kbNn9gd0NE

TALUMPATING NAGPAPAKILALA

                   Talumpating Nagpapakilala                     Ruby May P. Cabael         Isang kaaya-aya at pinagpalang hapon sa ating lahat. Tunay ngang napakapalad natin sa hapong ito dahil ating makakadaupang palad ang isang napakasigasig.         Kaya nga, isang napakalaking karangalan ang maaatasang ipakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita sa hapong ito. Siya ay tunay na inspirasyon ng mga katulad ninyong mga kabataan dahil sa kanyang mga nagawa, narating at natamong karangalan sa kanyang murang edad.         Siya ay nagmula sa tinitingalang angkan ng mga Tejero at isa sa mga ipinagmamalaking bunga ng pagmamahalan nina G. Bernardito  Tejero at Gng. Grace Trinidad-Tejero na nagmula sa mapayapang bayan ng Tayum, probinsya ng Abra.         Siya ay nagtapos bilang Cum Laude sa University...

TALUMPATING PAMPALIBANG

  "Bakla, bakla bakit ka pa ginawa?"   Pinagkunan: h ttps://m.youtube.com/watch?v=jtZ6zYNmybU&t=19s

Panahon ng Lakas Bayan hanggang Kasalukuyan

 Buod ng Sanaysay                         "Panaginip na Gising"                        ni Silvestre M. Punsalan Marami ka nang nabasa at narinig tungkol sa mga pangyayari noong nakaraangdigmaan. Marami sa mga kaibigan mo, kapit-bahay, at kahit di kakilala, ang namatayan,nasugatan, nasunugan, at nawalan. Dahil sa mga pangyayaring ito, sa sandal ng iyong pagtataka, nagtatanong ka . . . bakit? Iniisip mo, “akala ko marunong ang Diyos, maawainat kasukdulan ng lahat ng dangal at kabanala.” Totoo kayang kagustuhan din niya ang bagsik ng digmaan at ang mga pagkakataong nagpapalabas ng magaspang na katibayanng kalupitan ng tao: ang paglaplap ng laman, ang pagdukot ng mata, ang pagtapos nghita, ang hatiin ang ng dalawang kalabaw, ang pagbunot ng buko, ang paggilit ng leeg,ang paglagari ng balikat, ang pagbali ng tadyang sa pamamagitan ng palupalo- totoo kayana lahat nito a...

Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan

 Buod ng Sanaysay                 “Pasakalye at Pasakali”                       ni Virgilio Almario     Pinupuna ng akda ni Virgilio Almario na “Ilang Pasakalye/Pasakali sa Imbestigasyon” ang pagbabasa ng isang tekstong pampanitikan sang-ayon lamang sa kasaysayan o sa ibang salita ang pagtingin sa panitikan bilang tahas na “salamin ng buhay.” Sinabi niya na limitado’t arbitraryo ang sapilitang paghubog sa panitikan bilang kakambal o matimyas na kakambal ng kasaysayan ng lipunang Pilipino. Sa ganitong pananaw, nagiging “anak ng kasaysayan” ang panitikan at lumalabas na isang sangkap na pasibo at sunod-sunuran sa daloy, kislot at ragasa ng kasaysayan. Nawawalan ang panitikan ng kaakuhan at namamatay sa labas ng anino ng kasaysayan. Sintomas ng ganitong kalagayan ang nakamihasnang pagtuturing sa mga nobela ni Jose Rizal sa loob ng silid-aralan. Sa isa sa mga sanaysay ni Soledad S. ...

Panahon ng Hapon

 Buod ng Sanaysay                "Kayumanggi ang iyong kulay"                    ni Alejandro G. Abadilla Ikaw, Huwan, ay kayumanggi. Iyan ay katotohanang hindi mo maaring itatwa: ang ikaw ay kayumanggi, hindi puti ni hindi dilaw.Damhin mo ang kahalagahan ng iyong kulay. Ibangon mo ang iyong paniwala ang karangalan at kadakilaan ng iyong lahi--iyang iyong pagiging kayumanggi.Datapwa, kung ang pagbabangon ay nangangahulugan ng pagkakaroon mo ng bagong paninindigan ukol sa kulay, bakit hindi ka makabangon ngayon, Huwan? Bakit hindi hanggang may pagkakataon ay kumilos ka? Ngayon ang pagkakataon para sa iyo--magbangon ka, magbago ka ng paniniwala! Mag-aral ka, pag-aralan mo ang iyong kasaysayan. Ipamamata sa iyo ng iyong kasaysayan bilang tao at bilang lahi na ikaw ay may sariling katulad niya: na ikaw, sa kabila ng mga dantaong pagkalukob niya sa iyo, ay taglay mo rin ang sariling bigay ng k...

Panahon ng Amerikano

 Buod ng Sanaysay            "Ang maling edukasyon sa Kolehiyo"                              ni Jorge Bocobo         Isa kayang posibilidad na sa halip na maging tunay na edukasyon ang itinuturo sa kolehiyo ay maling edukasyon? Ang sagot ko dito ay “oo.” Isa itong kabalintunaan, subalit hindi maitatatwang katotohanan. Naniniwala tayong lahat sa kahalagahan ng edukasyon sa unibersidad, kung kaya’t tayo ay nag-aaral sa mga unibersidad. Datapwat, katulad ng mga paraan upang mapaunlad ang pamumuhay, magagamit ang edukasyon upang magtayo, maggupo, magturo o manlinlang. Nagkaroon ako ng pagkakataong suriin ang mga kalakaran at kaisipan sa loob ng sampung taon ng paglilingkod sa Unibersidad ng Pilipinas. Karamihan sa mga estudyante ay nakatupad sa inaatas sa kanilang tungkulin sa ilang aspekto ng unibersidad. Subalit malungkot aminin na ang kilos at pag-iisip ng mar...

Panahon ng Himagsikan

 Buod ng Sanaysay                     "Ang tao'y magkakapantay"                           ni Emilio Jacinto      Ang lahat ng tao’y magkakapantay sapagkat iisa ang pagkatao ng lahat. Anung ganda, anung liwanag ng katotohanan ito Sino kaya ang pangahas na makapagsasabing higit ang kanyang pagkatao at tangi sa pagkatao ng kanyang mga kapwa? Datapwat sa lahat ng panahon at sa lahat ng sulok ng lupa ay naghari at nagkaroon ng mga pangahas na ito; kaya nga’t lumabo ang ganda’t liwanag ng dakilang katotohanan, at ang kaguluhan, ang luha, ang dugo, ang kasukaban, ang kadiliman ay lumaganap sa Sansinukuban. “Kayong lahat ay magkakapantay, kayong lahat ay magkakapatid,” sinabi ni Kristo. Ngunit ang nagpapanggap na mga kahalili Niya, alagad at pinakahaligi ng Kanyang mga aral ay siyang kauna-unahang napakilalang natatangi sa madla; at ang bulag na tao’y naniwala s...

Panahon ng Propaganda

 Buod ng Sanaysay:      "Liham sa mga kababaihan ng Taga-Malolos"                             ni Dr. Jose Rizal        Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos na sinulat noong (1889),ipinahayag ni Rizal ang kanyang papuri at pagalang sa katapangang ipinamalas ngmga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon-isang di- karaniwang hakbang samaraming kababaihan sa kanyang panahon. Ayon kay Rizal, numulat siya sa pananaw na ang kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan.Batay sa kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa kabanalangnakatuon sa kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag-isip.Binibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan-bilang dalaga at asawa-sapagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay nito, inilalarawan niyaang katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay ipinakita ...

Panahon ng Kastila

 Buod ng Sanaysay                  "Ang Katungkulan sa Bayan"                 ni Padre Modesto de Castro     Ipinagkakaloob lamang sa karapat-dapat na nilalang ang katungkulan sa bayan.(Ang sanaysay na ito’y hango sa isa sa mga liham ni Urbana sa kapatid niyang si Feliza,sa akda ni P. Modesto de Castro na lalong kilala sa pamagat na “Urbana at Feliza.” Saganang kuro ni Don Efipanio de los Santos, si Pari Modesto ay siyang dapat kilalaning “hari sa tuluyan” sa hanay ng mga manunulat sa wikang Tagalog nang ika-19 na dantaon.)        Ang katungkulan sa bayan ay nakakahalimbawa ng isang korona na hindi ipinagkakaloobkundi sa may karapatan, kaya hindi dapat pagpilitang kamtan, kundi manapa’y tanggihan kunghindi rin lamang mapapupurihan ang camahalan. Ang kamahalan at karangalan ang dapathumanap ng ulong puputungan, at hindi dapat na ang ulo ang humanap ng koronangipuputong ...