PAGPAPAKILALA SA SARILI
"Pagpapakilala sa Sarili"
Mabuhay! Isang mapagpalang umaga sa ating lahat ngayong araw ay tunay na napakapalad natin sapagkat ating makakasama ang isang estyudante na magbibigay sa atin ng inspirasyon sa buhay.
Kaya naman napakalaking karangalan bilang tagapagsalita na ipakilala sa inyo ang ating panauhin. Sa kaniyang kuwento sa buhay ay tunay na siya ay inspirasyon sa bawat tao lalong lalo na sa mga kabataang katulad niyo. Dahil ilan sa kaniyang mga nabanggit na karanasan nung amin siyang napanayam ay mula sa kaniyang pagkabata ay marami na siyang pangarap sa buhay, na tila daw kung ito ay iisipin at gagawin ay kaniyang mapapagtagumpayan.
Siya ay nagmula sa simpleng angkan ng De Chavez at sa anim nilang magkakapatid isa siya sa maipagmamalaking naging bunga ng pagmamahalan nina Rosa at Romutio De Chavez. Mula siya sa kinikilalang Fruit Basket na kung saan ito ay ang Victoria. Siya ay nagtapos ng Elementarya sa Victoria Central School at nakatanggap ng karangalan. At noong siya ay nasa Sekondarya ay nakatanggap ulit siya ng karangalan sa kaniyang pagtatapos. At sa ngayon siya ay patuloy na nag-aaral sa paaralan ng Minsu Main Campus at kumukuha ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya.
Sa aming naging panayam sinabi niya na patuloy pa rin niyang mas hinuhubog ang kaniyang sarili, kaya naman kahit napakahirap sa ganitong sitwasyon na hindi nakakapasok sa paaralan ay pinipilit pa rin niya itong lampasan, ginagawa ang nararapat gawin at ipinapasa ito sa tamang oras kahit na madalas ang pinakang kalaban ay ang internet koneksyon at dagdag pa niya na "kung gugustuhin mo makakagawa ka ng paraan para lumabas sa dilim na iyong tinatahak".
Kaya naman tunay na pinagmamalaki siya ng kaniyang butihing ama at ina na sina sapagkat mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa ngayon nakatatak pa rin sa kaniyang isipan ang salitang binitawan ng kaniyang mga magulang na "mag-aral ka ng mabuti dahil simple lamang aming hiling ang maibigay mo sa amin ang iyong medalya, at makatuntong kami sa entablado habang ikaw ay nakaitim na toga" kaya naman tunay na siya ay nakakamangha dahil kaniyang isinasabuhay ang bawat salitang sinasabi sa kaniya.
Kaya naman ating salubungin ang ating tagapagsalita na nagmula sa simpleng buhay na pinalaki ng busog sa pangaral at pagmamahal at minulat ang isipan sa murang edad upang mas lubos niyang maunawaan ang mga bagay bagay sa kapaligiran. At sa ngayon na nasa tamang edad na, hindi na kung anong walang kabuluhan lamang na bagay ang kaniyang iniisip, bagkus ay ang kaniyang magiging kinabukasan. At higit sa lahat batid niyang napakarami pang padadaanan sapagkat nagsisimula pa lamang ang kaniyang paglalakbay.
Kaya mga kaibigan malugod kong ipinapakilala sa inyo ang estyudanteng punong puno ng pangarap sa buhay si Charissa C. De Chavez. Salubungin natin siya ng masigabong palakpakan.
Comments
Post a Comment