TALUMPATING NAGPAPAKILALA

 

                 Talumpating Nagpapakilala

                    Ruby May P. Cabael

        Isang kaaya-aya at pinagpalang hapon sa ating lahat. Tunay ngang napakapalad natin sa hapong ito dahil ating makakadaupang palad ang isang napakasigasig.

        Kaya nga, isang napakalaking karangalan ang maaatasang ipakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita sa hapong ito. Siya ay tunay na inspirasyon ng mga katulad ninyong mga kabataan dahil sa kanyang mga nagawa, narating at natamong karangalan sa kanyang murang edad.

        Siya ay nagmula sa tinitingalang angkan ng mga Tejero at isa sa mga ipinagmamalaking bunga ng pagmamahalan nina G. Bernardito  Tejero at Gng. Grace Trinidad-Tejero na nagmula sa mapayapang bayan ng Tayum, probinsya ng Abra.

        Siya ay nagtapos bilang Cum Laude sa University of Northern Philippines taong 2015 sa kursong BA communication. Sa Kasalukuyan, mas pinapalawig pa niya ang kanyang angking karunungan sa pamamagitan ng pagpapatuloy niya sa kanyang pag-aaral ss Benguet State University sa kursong Master in Development Communication.

        Bago pa man naging bahagi ng ating institusyon, siksik na siya sa karanasan. Sa katunayan, naging Anchor siya sa DZNS Radio, pagkatapos naging instruktor naman siya sa Unibersidad na kanyang pinagtapusan at naging Executive Consultant ng sariling bayan kung saan siya ang nagpasimuno at siyang may utak ng LAKASA Festival sa bayang kanyang tinubuan at kung saan siya'y ginawaran ng karangalan na "Tayumenian Youth Achiever". Ito ay isang karangalang ipinagkaloob sa bawat mamamayan ng Tayum sa kanilang dakilang naiambag at nagawa para sa kanilang bayan.

        Kaya't napakapalad natin at ng buong institusyon sa pagkakaroon natin ng isang napaka-intelihente at mapagkumbabang guro sa kabila ng kanyang nakamit na tagumpay.

        Kaya mga kaibigan, malugod kong ipinakilala ang isa sa mga maipagmamalaking instructor ng ASIST at siyang panauhing tagapagsalita sa hapong ito, walang iba kundi si Ginoong JUDE MARK Trinidad TEJERO.

      SALUBUNGIN NATIN SIYA NG MASIGABONG PALAKPAKAN!

 Pinagkunan:

https://www.scribd.com/doc/491086611

Comments

Popular posts from this blog

PAGPAPAKILALA SA SARILI