Panahon ng Lakas Bayan hanggang Kasalukuyan

 Buod ng Sanaysay

                        "Panaginip na Gising"

                       ni Silvestre M. Punsalan

Marami ka nang nabasa at narinig tungkol sa mga pangyayari noong nakaraangdigmaan. Marami sa mga kaibigan mo, kapit-bahay, at kahit di kakilala, ang namatayan,nasugatan, nasunugan, at nawalan. Dahil sa mga pangyayaring ito, sa sandal ng iyong pagtataka, nagtatanong ka . . . bakit? Iniisip mo, “akala ko marunong ang Diyos, maawainat kasukdulan ng lahat ng dangal at kabanala.” Totoo kayang kagustuhan din niya ang bagsik ng digmaan at ang mga pagkakataong nagpapalabas ng magaspang na katibayanng kalupitan ng tao: ang paglaplap ng laman, ang pagdukot ng mata, ang pagtapos nghita, ang hatiin ang ng dalawang kalabaw, ang pagbunot ng buko, ang paggilit ng leeg,ang paglagari ng balikat, ang pagbali ng tadyang sa pamamagitan ng palupalo- totoo kayana lahat nito at iba pang nagawa na hindi nangyari kahit sa panaginip mong nilalagnat.Totoo kayang kagustuhan din ng Diyos ang lahat? Mga tanong na hindi mo masasagotdahil sa tatlong taon ng pananakop nasupil pati ang hibang mong pag-iisip. Ngayon sa mga tahimik mong sandal lumilingon ka sa nakaraan, binabalikan mo ang mga tanong na hindi mo masagot noong mga sandal mong tulala, subali’t magkaparis ang ngayon at ang noon, hindi mo rin sila masagot.Hindi mo alam sagutin kung bakit napahintulutan ng Diyos na puno nng lahat ngkabaitan na mangyari sa sementadong daan ng maingay na Maynila ang mga ito:maraming taong nabubuwal na hindi na makatayo, gumagapang sa tabi ng pader upangmarating ang pampang ng ilog Pasig sa ilalim ng tulay ng “Quezon” sa Kiyapo at napupugto ang hininga sa gutom. Ninais niyang doon mamatay upang kung magdaraanang taong may natitira pang awa, sisipain ang patay upang mahulog sa ilog nang hindi naibibili ng kabaong ng kanyang kamag-anak ang mga butong nakabalot ng balat na sukatsanang tawaging bangkay.Lumipas ang mga malinaw mong sandal na parang mga sandaling tulala. Susukoka na! hindi mo na kayang isipin ang maraming binigay na palaisipan sa iyo ngnakaraang digmaan. Mahina ang loob mo.Kung kalian mo lang tiningnan ang pagpaparangalan ng nakalululang palasyo saating baybay-dagat at nakita mo ring nakalublob sa putik ang kural-baboy natinutulungan ng tao sa Tondo; minasdan mo ang nagpapakasawa sa pagkaing nasa mga palamigan, malinis at maluwag na asoteya ng hotel sa tabi ng dagat dinadayo ngmayaman, at nakita mo rin naman na nakatapak at nakapaligid sa maralitang dulang angmaraming gutom na tinatawag ding tao; narinig mo rin naman ang kaluskos ng maraminghindi mapakaling manggagamot na nagbabantay sa maysakit na maraming ibabayad,malinaw mong narinig ang daing ng walang hinihintay na naghihingalong may sakit nawalang gamot; nakapaligid ang maraming botikang puno ng gamot ilang dangkal mula sahihigan niya. Nakita mong lahat iyan. Noon hindi mo mauanawaan ang kahulugan nito.

   Noong dumating ang digmaan, sa mga nalilito mong sandal sa pinaglikasang pook, marahan, maliwanag, matindi at maingay, dumaang lahat iyan sa iyong panimdim, parang palabas na may kulay. Ikaw, naalis ang iyong pagtataka. Nalaman mo noon na magkasingn halaga ang buhay ng may palasyo sa baybay-dagat at ang nakabaluktot salamig sa dampang kugon; magkakulay din ang dugo nila.Hindi nangangayupapa ang kamatayan kahit sa nakasakay sa “Cadillac”.Pagkatapos mong madalumat ang lahat pagkaraan ng ilang buwan, nagisnan mo anglamig ng Disyembre na may dalang patalim at ang init ng tag-araw na nagsusunog ng balat. Ang panahon ng buhay sa pamamagitan ng digmaan at kamatayan ang naniningilng pautang. Natauhan ka sa katutuhanang nakita mo dahil hindi pala palabas na maykulay kundi tunay na dugong tumutulo at tunay na buhay na namatay sa patalim ng galitat paghihiganti. Naisip mo noon na baka kagustuhan din ngn Diyos ang digmaan upang ipakilalasa mga palalo na sa mundo mayroon pang ibang bagay maliban sa kanilang sarili. Ngayon, hindi ka na natatakot dahil sinasabi ng iyong puso na sa lahat hindilaganap ang ngayon, na ang kahapon ay hindi sukatan ng bukas, at ang bukas ngayonlang ng kahapon ng bukas ngayon . . . dahil malikmatang lahat ng panaginip ng gisingn.Pati na ang digmaan.

Reaksyon/Repleksyon:

Muli na namang bumalik ang nangyari noong unang panahon at talagang nakakasidhi ng damdamin. Nang aking mabasa ang ginawang akda ni Silvestre M.Punsalan na pinamatagang "Panaginip na Gising" ay nakakaiyak at nakakagalit dahil sa hirap na naranasan ng ating mga kababayan sa nangyaring digmaan. Kaya naman bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong edukasyon major in Filipino ay malaking tulong ito sa akin dahil nagkaroon ako ng sapat na kaalaman patungkol dito na maaari kong ituro sa balang araw upang lumiwanag rin ang kanilang natutulog na isipan, na hindi dapat baliwalain at kalimutan na lamang ang hirap na pinagdaanan ng ating kapwa sa kamay ng mga masasamang tao. Isa rin ito sa susi upang mas pagyabungin, pahalagahan at mahalin kung ano ang mayroon tayo ngayon, magpasalamat dahil hindi na muli ito nangyari. Kahit na nakakalungkot isipin na maraming kapwa Pilipino natin ang naghihirap, mga may sakit na hindi binibigyan ng kahit isang pirasong damit samantalang napakarami namang mayaman, limpak limpak ang pera ay hindi nakakapagbigay at isa yan sa dapat hindi gawi ng mga tao. Kaya naman sa ngayong ating henerasyon ipagpatuloy natin ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtrato sa iba at simulan ngayon hanggang sa mga susunod na panahon ay sana mapanatili ang kalayaan ng bawat tao.

Pinagkunan:

https://www.academia.edu/33735483/Final_book_sanaysay





Comments

Popular posts from this blog

PAGPAPAKILALA SA SARILI