Panahon ng Propaganda
Buod ng Sanaysay:
"Liham sa mga kababaihan ng Taga-Malolos"
ni Dr. Jose Rizal
Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos na sinulat noong (1889),ipinahayag ni Rizal ang kanyang papuri at pagalang sa katapangang ipinamalas ngmga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon-isang di- karaniwang hakbang samaraming kababaihan sa kanyang panahon. Ayon kay Rizal, numulat siya sa pananaw na ang kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan.Batay sa kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa kabanalangnakatuon sa kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag-isip.Binibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan-bilang dalaga at asawa-sapagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay nito, inilalarawan niyaang katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay ipinakita ang babaingSparta bilang larawan ng pagiging mabuting ina.Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang halimbawang ito upang maitaguyod ang isanganak na marangal at magtatanggol sa bayan. Bahagi rin ng lihamang pagpapa-alala niRizal sa Lahat na gamitin ang isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy angkatotohanan at hind imaging alipin ninuman. Pinupuna ang mga hindi kanais- nais naGawain ng mga Prayle, gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunay at huwad narelihiyon.
Mayroong pitong bagay na binigyang linaw mi Rizal bilang mga rason kung bakit dapat siya paniwalaan:
Una: nagaganap lamang ang pagiging dominante ng iba kung ang iba ay duwag at mapagpabaya.
kalawa: Nagiging kahiyahiya ang isang tao ay kung siya ay natatakot sa mga taong ikinakahiya siya.
Ikatlo: ang pagiging ignorante ang siyang nagdudulot ng pagka-alipin. Kung paano mag-isip ang tao, ay ganito rin ito. Ang indibidwal kasi na hindi nag-iisip para sa kanyang sarili at pumapayag na sumunod na lamang sa iba ay parang hayop na kinokontrol lamang ng tali.
Ikaapat: Ang taong nagmamahal sa kalayaan, ay dapat munang tumulong sa kanyang kapwa sapagkat ang taong hindi tumatanggap ng proteksyong dala ng ibang tao ay makikita sa huli na wala siya nito,tulad na lamang ng mga walis tingting na nawala ang tali at naging magkakahiwalay.
Ikalima: Kung hindi babaguhin ng mga Pilipina ang kanyang moda ng pagkatao, dapat tumigil na ito sa pagpapalaki ng mga anak. Sapat na ang manganak ito pero hindi na dapat ito magsilbing ilaw ng tahanan at humubog ng mga anak sapagkat ipinagkakanulo nila nang hindi nalalaman ang kanilang mga asawa, anak at ang bayan.
Ikaanim: Lahat ng tao ay ipinanganak ng pantay-pantay. Hindi lumikha ang Diyos ng nilalang na magiging alipin o di kaya’y binigyan tayo ng katalinuhan upang magpaloko lamang. Hindi masama ang humanga sa kapwa at higit na paunlarin ang kamalayan at katalinuhan, nagiging masama lamang ito kung nagpapanggap na ito bilang Diyos at ginagamit ang kapangyarihang iyon sa pang-aalipin ng ibang tao ubang sumunod ito sa mga gusto nila na hindi naman tama at makatarungan.
Ikapito: Dapat pag-isipang mabuti kung anong uri ng relihiyon ang tinuturo nila. Maingat ninyong suriin kung ang nais ba ng Diyos ang mga ipinapagawa nila pati na rin ang kanilang mga itinuturo.
Batay sa kanya, ang mathiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa karunungan ay patunay ng pagkamulat sa tunay na kahulugan ng kabanalan - kabanalang nakatuon sa kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag iisip. Binibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan - bilang dalaga at asawa - sa pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay nito, inilalarawan niya ang katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay pinakita ang babaing Sparta bilang huwaran na pagiging mabuting ina. Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang halimbawang ito upang maitaguyod ang isang anak na marangal at magtatanggol sa bayan.
Repleksyon/Reaksyon:
Bilang isang babae ng aking mabasa ang ginawang sanaysay ni Dr. Jose Rizal na pinamagatang "Liham sa mga kababaihan ng Taga-Malolos" ako ay dinagdagan ng sapat na kaalaman at karunungan na maaari kong iaaply sa sarili kong buhay. Nakakalungkot isipin na noong unang panahon walang magawa ang ilan sa mga kababaihan dahil nga ang alam ng nakararami ang mga babae ay mahihina lamang na mas maraming kakayahan ang lalaki kaysa babae kaya naman nung aking nabasa ang mga kababaihan na taga malolos na naglakas ng loob na lumapit sa mga prayle upang makapag-aral ay nakakatuwa. Dahil sa ngayon kung iisipin natin na mahirap talaga lalo na at makapangyarigan ang mga prayle pero ipinaglaban nila at isa nga sa naging tulay nila ay ang pitong habilin ni Rizal na kung saan ang lahat ng yun ay pagbibigay tulong sa bawat kababaihan, pagbibigay ng dagdag kaalaman at kalakasan ng kalooban at higit sa lahat ay pagiging isang mabuting kristiyanismo. Kaya naman bilang isang babae dapat lamang na huwag tayong mag papaapekto sa sinasabi ng ibang tao maging matatag tayo sa hamon ng buhay lalong lalo na sa mga may pamilya, maging responsable at huwag magkilos dalaga. Upang sa ganon maipakita natin na mali ang iniisip nila na tayo ay babae lang.
Pinagkunan:
https://prezi.com/s2wpsp14jg9j/ang-liham-ni-dr-jose-rizal-sa-mga-kadalagahan-sa-malolos/?fallback=1
Comments
Post a Comment