Panahon ng Kastila
Buod ng Sanaysay
"Ang Katungkulan sa Bayan"
ni Padre Modesto de Castro
Ipinagkakaloob lamang sa karapat-dapat na nilalang ang katungkulan sa bayan.(Ang sanaysay na ito’y hango sa isa sa mga liham ni Urbana sa kapatid niyang si Feliza,sa akda ni P. Modesto de Castro na lalong kilala sa pamagat na “Urbana at Feliza.” Saganang kuro ni Don Efipanio de los Santos, si Pari Modesto ay siyang dapat kilalaning “hari sa tuluyan” sa hanay ng mga manunulat sa wikang Tagalog nang ika-19 na dantaon.)
Ang katungkulan sa bayan ay nakakahalimbawa ng isang korona na hindi ipinagkakaloobkundi sa may karapatan, kaya hindi dapat pagpilitang kamtan, kundi manapa’y tanggihan kunghindi rin lamang mapapupurihan ang camahalan. Ang kamahalan at karangalan ang dapathumanap ng ulong puputungan, at hindi dapat na ang ulo ang humanap ng koronangipuputong sa sarili. Karaniwang ang karangalan – ang katungkulan – ay kakambal na mabigatna pananagutan, kaya’t bago pahikayat ang loob ng isang tao sa paghahangad ng karangalan ay dapat na ilingap muna niya ang kanyang mga mata, suriin ang katungkulang ninanasa atpagtimbang-timbangin kung ito’y makakaya niya. Bulay-bulayin ang sariling karunungan,kabaitan at lakas, iagapay ang mga ito sa bigat ng nilulunggating katungkulan, at kungnagkakatimbang-timbang ay saka pahinuhod ang loob sa pagtanggap ng iniaalok nakarangalan. Gayon pa man, ito’y hindi dapat pagnasaang mahigpit at pagpilitang kamtan,subali’t dapat tanggapin kung siyang pinagkakaisahan ng bayan at maging niloloob ng Diyos. Ang karaniwang pagsasabi, ang magnasang magkamit nang kamahalan sa bayan ay hindimaganda, sapagka’t kadalasan, ito’y udyok, hindi ng pagkagayak ng loob na ang isang tao’y pakinabangan ng kanyang kapwa, kundi ng handog na siya ang makinabang sa tungkulingkanyang hahawakan; hindi ang pagtalaga sa pagtitiis ng hirap na pagtupad ng katungkulankundi ng hangad na siya’y guminhawa; hindi ng pagnanasang paginhawahin ang kaniyangpagpupunuan. Ang gahaman sa kamahalan ay karaniwang hindi marunong tumupad nang katungkulan;paano’y hindi ang katungkulan kundi ang kamahalan ang kanyang pinagnanasaan; salat sa bait, sapagka’t kung may iningatan na bait, matapos makikilala ang bigat ng katungkulankanyang babalikatin, ito’y hindi niya pagpipilitang matamo kundi bagkus tatanggihan … Kaya’tpakaingatan ninuman na huwag nasain na siya’y tingalain, sukuan, iagalang at pintuhuin ng bayan.Huwag kalimutan na ang karangalan sa mundo ay kagaya rin ng mundo – may katapusan. Ang palad ng tao ay tulad sa gulong na umiikot: ang nasa itaas ngayon, mamaya’y mapapailalim; ang tinitingala ngayon, bukas ay yuyurakan. Kaya ang dapat tingnan ay hindiang kasalukuyan lamang kundi pati ang haharapin. Itanim sa dibdib na ang pagtupad ngkatungkulan ay ipinagsusulit hindi lamang sa hustisya sa lupa kundi sa hustisya rin naman salangit; ang makalangitan ng hustisya rito ay hindi makaliligtas sa hustisya nang Diyos.Huwag magpalalo sapagka’t di man magkasing-uri ang puno at pinagpupunuan, sila’y may isa lamang pinagmulan, isa lamang pagkakaraanan, at isa rin naman ang kauuwian. Diyos angpinanggalingan, kaya’t ang lahat ay magdaraan lahat sa hukuman ng Diyos at Diyos din angkauuwian.
Huwag magpakita nang kalupitan sa pagnanasang igalang ng tao, sapagka’t hindi angkatampalasanan kundi ang pagtuntong sa matwid at pagpapakita ng magandang loob angnakahahalina ng paggalang at pagmamahal nang tao. May katungkulan man, datapwa’tmalupit, ay ‘di napapamahal kundi kinapopootan at pagkatalingid ay pinaglililuhan ng kanyangpinagmamalupitan. Ang kapurihan ng taong nasa katungkulan ay nasa pagmamahal sa asal,pagpapakita ng loob at pamimihag ng puso. Ang pagmamalaki at pagmamataas ay tandangpinagkakakilanlan ng kaiklian ng isip at pinagkakadahilanan ng pagkapoot ng kaniyang kapwa.Kailanma’y huwag limutin ng isang namumuno ang kanyang tungkuling lumingap sa lahat,sapagcka’ kung ang paglingap niya ay laganap sa lahat ay hindi lamang siya ang mamahalin ngtao kundi sampu ng kaniyang pamilya, at sa panahon nang kagipitan ay hindi magpapabayaang kanyang mga pinagpakitaan nang magaling. Ang isang ginoo na marunong tumupad ng katungculan, tapat ang loob sa mga kaibigan,mapag-ampon sa mga mabababa, maawain sa mahihirap – ang ganitong ginoo ay ligaya atkapurihan ng bayan at hari ng lahat ng puso. Sa katagang wika, ang tunay na kamahalan ay nasa pagmamahal sa asal at paggawa nang magaling.Itala sa hindibdib ng lahat na ang korona ma’t setro ay walang halaga kung hindinapapalamutian ng mahahalagang hiyas ng kagandahang asal, pagtuntong sa matwid atkagandahan ng loob.
Repleksyon/Reaksyon:
Nung aking mabasa ang ginawang akda ni Padre Modesto de Castro na pinamagatang "Sa Katungkulan sa Bayan" ay bigla kong naalala ang mga payo't asal na tinuro sa aking magulang na lagi nilang sinasabi na maging isang mabuti kang bata hanggang sa paglaki mo upang katuwaan ka ng mga tao. Kaya naman hanggang sa aking paglaki ay dala dala ko ang salitang ito, dahil hindi naman sa pagmamayabang mayroon akong taglay na kagandang asal at ang ilan na nga dito ay paggalang, pagmamalasakit at pagtulong sa kapuwa halimbawa na lang nito kapag mayroon akong nakikitang pulubi ay binibigyan ko siya ng kahit barya, kahit na maliit na halaga dahil kita ko naman sa kaniyang mga mata ang ngiti at ang salitang salamat ay napakasarap sa pakiramdam dahil kahit ako ay hindi mayaman, sa paraang pagbibigay ko sa nangngailangan kahit maliit lamang ay nakakagaan ng kalooban. At higit sa liham na nakapaloob dito hindi lang dapat sa ating kapwa bagkus maging sa ating kalikasan at bansa. Panatilihin nating may takot sa Diyos at madasalin dahil isa yan sa dapat taglayin ng isang tao, may malinis na dangal at palaging nagsasabi ng katotohanan. Dahil alam naman nating lahat na ang isang tao na may magandang asal ay kinagigiliwan, kinatutuwaan at hinahanggan ng marami.
Pinagkunan:
https://dokumen.tips/documents/ang-katungkulan-sa-bayan.html
Comments
Post a Comment